The Proposals (Yes, with an S)

Posted in Uncategorized on March 28, 2015 by Glenn

A little less than two months from now, BIG DAY na namin!

Raine & I

Raine & I

Today actually marks the first year anniversary of my marriage proposal. Up until now, napapangiti at napapatawa pa rin ako tuwing naaalala ko ang lahat. At hindi ko ma-imagine na magagawa ko pala yun! 🙂

Hindi ko naman talaga ginusto na maraming audience sa event na yon. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pa rin na kaming dalawa lang talaga. Pero minsan, may mga planong hindi natutupad…kasi may mas maganda at memorable na pangyayari pala ang magaganap.

My original “own” plan was to propose on our first anniversary (June 26, 2014). Yung private lang ba pero syempre gagawan ko ng paraan na may participation yung mga mahal naming sa buhay.

Pero sabi ko nga, may mga planong biglaang naiiba. I purchased the engagement ring way ahead of my plan. At ang plano kong private proposal, dinis-approve ng mga kasamahan namin sa Singles for Christ (SFC). Kaya kahit ayoko sanang may witnesses, wala na ako nagawa. Mas masaya daw kasi kung nasi-share ng babae ang happiness, specially ang surprise.

Nagbuo sila ng isang exclusive at secret group chat sa Whatsapp. Syempre hindi kasama si Raine. Sekreto nga eh. Nagbuo rin sila ng isa pang group (kasama si Raine) para sa kunya-kunyariang birthday surprise sa ka-SFC naming magsi-celebrate ng birthday. So tatlo na ang group chats namin dahil may regular na group chat. Taking into considerations some “restrictions” (budget, time constraints kasi magbabakasyon din ako nung panahong yun, etc.). Nagbigay sila ng kanya kanyang inputs, nagbuo ng plano. Bukod sa group chat, nag-uusap kami ng tinaguriang “event organizer” ko. Until finally, everything was set and finalized. Pero dahil hindi nga sa group chat nabuo ang plano, my “event organizer” had to relay our “plans” to all. She screen grabbed our conversations and sent them to the group. Bale apat lahat ang nasend. Then, isa na namang unexpected and surprising twist: wrong send.

“Na-wrong send ako!,” sabi ng “event organizer” ko.

“Na-wrong send ako!,” sabi ng “event organizer” ko.

Sa maling group chat na-send ang detalyadong plano (as in detalyadong plano). Nagkagulo na!

Panic mode lahat.

“Bro, tawagan mo si Raine!”

“Bro, agawin mo yung phone ni Raine!”

“Bro, puntahan mo si Raine!”

FYI: nasa bahay ako at nasa office si Raine nang mga oras na ‘yon, at least 15 minutes travel from my place kung makakasakay agad ako ng taxi. How can I possibly snatch her phone from her?

With no solutions at hand at that moment, all I could do was to distract her. I phoned her. Kinulit ko sya sa Facebook chat. That’s all. Yun lang talaga ang magagawa ko.

When I came back to Whatsapp chat, Raine was removed from the group chat. The group chat admin has left the group. The perpetrator has left also. Lol! They thought the group would be deleted at once. I know it won’t. Indeed, it was not.

On-line na sya sa Whatsapp. Alam ko nabasa na nya lahat. Wala kasing reply sa Facebook. Malamang nagbabasa pa. Nung bumalik na sya sa chat namin sa Facebook, lahat ng reply nya kahit seryoso ang usapan namin may mahabang “hahahahahahahahaha.” “Anong meron?,” tanong ko. “Wala. Hahahahahahahahaaha!,” sagot nya. Parang baliw lang.

Raine was removed from the group hoping na hindi  makita ang mga photos

Raine was removed from the group hoping na hindi makita ang mga photos

Epic fail!

Buti na lang there was back-up plan. Sabi ko, back to my own version of proposal – yun naman talaga ang orig kong plano. Ang mahirap lang e ang timing. Sa sobrang tamang hinala nya noon, alam ko mas sobrang tamang hinala sya ngayon. Gagawin ko ba ang proposal sa monthsary namin (March 26)? O makikiagaw ako sa birthday celebration ng kasama namin sa Thursday (March 27)? O isabay ko ba sa padespedida party ng magreresign kong officemate sa Friday? O sa airport paghahatid sa akin? I was running out of time. O gawin ko na lang na sa first anniversary namin?

Nag-suggest uli ang “event organizer” ko. Bumawi. Mukhang OK naman ang suggestion. Kinagat ko. Pero basta kasama pa rin daw sila. Magtatago na lang daw at lalabas kapag tapos na. And then I have decided. I’m gonna propose hindi sa monthsary namin, hindi sa birthday celebration, hindi sa despedida party, hindi sa airport at lalong hindi sa anniversary namin. Kundi sa simbahan…sa malapit sa altar…pagkatapos ng misa….sa Friday, March 28, 2014.

March 28 na. Friday na.

Sinundo ko sya sa bahay nya. Ayoko nang tingnan ang cellphone ko baka kasi makahalata pa sya sa plano. Kaso may tumawag…unregistered number.

Ako: Hello?

Other Line: Hello, bro asan na kayo?

Ako: On the way pa lang, BRO. (Ka-bro ko sa SFC ang tumawag)

Ka-Bro: O sige, simba na rin kami. (Then we hang up.)

Raine: Sino yun? Ako: Si Mam Beth. (Haha! Langya, di ko alam kung narinig nyang tinawag kong “bro” yung nasa kabilang line tapos ang nasabi kong alibi e “mam.”

Sa church, bukod sa nagdadasal ako nang pabulong, nagme-memorize din ako ng mga sasabihin kong linya. Pabulong din. Habang papatapos ang misa, padagdag nang padagdag ang kaba ko. Bago matapos ang misa, maiihi daw sya (sya pa ang naiihi e ako itong kinakabahan).”Paano ko ba sya mayayaya sa malapit sa altar?,” tanong ko sa isip ko. Ako rin ang sumagot, “bahala na.”

Tapos na ang misa. Bumaba na si Father sa altar at lumagpas na rin sa may pwesto namin. Luminga-linga ako sa paligid. Hala, marami pang tao. Kaya ko ba? Inilabas ko ang cellphone ko at kunyaring pinicturan ang altar. “Hindi maganda ang shot, lapit pa tayo..” inakay ko sya papalapit sa may altar (habang ako tumitingin sa paligid). Marami pa ring tao. Hindi ko kaya to. Niyaya ko sya palabas, “Tara, CR na tayo.” Hahahaha!

Inilabas ko ang cellphone ko at kunyaring pinicturan ang altar. (Eto yung pic)

Inilabas ko ang cellphone ko at kunyaring pinicturan ang altar. (Eto yung pic)

Nag-CR din ako, minessage ko ang mga kasabwat ko. “CR muna kami. Grotto na lang.” Habang nasa CR sya, tinawagan ko ang mga kasabwat ko.

Sa Grotto

Madami ring tao kaya hinintay ko munang mag-alisan ang iba (at para makahinga-hinga man lang ako dahil sobrang kaba ko na…)

And then, the rest is history…

The collage would say it all. Salamat sa mga paparazzi sa mga photos, sa Team Al-Sadd sa palawers, sa officemates ko sa ideas, sa family ko sa prayers. Salamat sa inyong lahat. Salamat kay God for giving me Raine. Salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng lakas ng loob na lumuhod, iabot ang singsing, at tanungin si Raine ng “Will you marry me?” At syempre , salamat uli kay God dahil sumagot si Raine ng “YES.”

b c

7 1 2 3 4 5 6

***

EPILOGUE

Marami pa ring audience pero alam kong hindi naman talaga mauubos ang mga taong nagdarasal sa grotto. Kasama dito ang mag-ina na kinukulit na daw ang nanay umuwi.

Little Girl: Mommy, mommy, tara na.

Mommy: Wag kang maingay! May nagpo-propose!

“Wag kang maingay may nagpopropose” – Our “moment” was witnessed not just by our “intended audience” kundi pati na rin ng ibang parishioners. As much as I wanted to propose on a more private place, minsan may mga planong nangyayari.

“Wag kang maingay may nagpopropose” – Our “moment” was witnessed not just by our “intended audience” kundi pati na rin ng ibang parishioners. As much as I wanted to propose in a more private place, minsan may mga planong hindi nangyayari pero napapalitan ng mas magandang pangyayari.

21 Days – Eksaktong 21 days bago ako magbakasyon,sinend nya sa akin yan. Napaisip ako, anong posibleng mangyari sa loob ng 21 days? I had no plan for a proposal at that time. Wala pa nga akong balak bumili ng singsing noong mga araw na iyon.

21 Days – Eksaktong 21 days bago ako magbakasyon,sinend nya sa akin yan. Napaisip ako, anong posibleng mangyari sa loob ng 21 days? I had no plan for a proposal at that time. Wala pa nga akong balak bumili ng singsing noong mga araw na iyon.

"Magtatago na lang daw at lalabas..."

Ang mga kasabwat…

photo 5- - Copy

The Polished Nail – On our 8th monthsary (February 2014), we had a fine dinner date in a hotel. I asked her to wear formal attire. Sinabi nya yon sa dati nyang SFC leader na nag-advise, “Naku sis, maglinis ka ng kuko mo. Baka bibigyan ka na ng singsing.” Kaso walang singsing. Sa 9th monthsary pala mabibigay. Pero ang totoo, tinesting ko kung OK yung lugar for a proposal.

Angel K.

Greetings from the Bisaya Group of Companies

Greetings from the Bisaya Group of Companies

Hindi ko na-recite ang "proposal lines" ko dahil sa sobrang kaba. Pero naiyak pa rin sya nung sinabi ko sa kanya ang pinaghirapang kong linya…

Hindi ko na-recite ang “proposal lines” ko dahil sa sobrang kaba. Pero naiyak pa rin sya nung sinabi ko sa kanya ang pinaghirapang kong linya…

I am a Work in Progress

Posted in Uncategorized on September 24, 2012 by Glenn

Pagkatapos ng Baptism namin noong Friday, bigla akong napaisip na medyo matagal-tagal na rin pala akong uma-attend sa Christian Life Program. Binalikan ko tuloy kung paano nga ba ako napasali doon.

Sa totoo lang, hindi ko alam bakit umoo ako nang inimbitahan akong sumali. Sa gala kong ito, minsan kulang pa ang half day ng Thursday at buong araw ng Friday sa pagliliwaliw ko. Sabi ko nga, ayokong mag-commit sa isang bagay na hindi ko sigurado kung mapapangatawanan ko.

Image

CLP Infosheet

Unang beses na sinabihan ako, umoo ako. Sabi nung nang-imbita sa akin, sasabihan na lang daw ako kung kelan magsisimula. Napa-“sige” na lang ako kahit sa likod ng utak ko, matapos ko kaya ang programa nang walang absent? Dumating ang araw na sinabihan ako sa pangalawang pagkakataon. May schedule na daw, sa darating na Friday. Tinanong ko kung ilang linggo o buwan aabutin. Ang sabi lang may 12 Talks na divided into 3 modules. “Ok,” sabi ko. Kahit di ko naintindihan at di nasagot kung ilang linggo o araw ba talaga ang aabutin. Basta parang ang pagkakaintindi ko, sa isang Friday 3 Talks so base sa computation ko, isang buwan lang. OK lang. Ramadan naman. Mas maiksi ang oras ng trabaho namin kaya OK lang na makain ng “extra activity” na iyon ang buong araw ng Friday ko.

ISANG BUWAN LANG NAMAN PALA.

Unang Friday. Registration. Orientation. Walang Talk na naganap.

Pangalawang Friday. Talk 1. Groupings. Teka? Talk 1 lang? Ah, baka kinulang lang sa oras.

Pangatlong Friday. Talk 2. Wala nang sumunod na Talk. Teka?  Paisa-isang Talk lang? 12 Talks means 12 Fridays which means 12 weeks which means 3 months? Huh?! Kala ko isang buwan lang? Pagkatapos ng Ramadan, babalik na ang normal na bilang ng oras ng trabaho namin. Babalik kami sa 10 hours per day na trabaho tapos ang kaisa-isang day-off ko ay halos mawawala pa? Kaya ko ba to? Pano kung may biglaang lakad o gimik ang tropa? Paano ako makakasama? Paano kung may magyaya ng inuman? Aabsent ako sa CLP?

Ngunit sa pagkalibang ko, hindi ko namalayang natapos na ang Talk 9 at natapos na rin kaming binyagan. Hindi ko na nabilang kung ilang Friday ba ang nagdaan. Wala akong absences. Akalain mo yong lagi akong nagiging available kapag Friday. At akalain mo yong natatanggihan ko ang bawat magyaya ng inuman. Bukod pa doon, present ako kapag may activity o kelangan naming magkita-kita kahit hindi Friday. Nagsisimba ako sa umaga ng Friday at nag-aattend ng CLP sa hapon hanggang gabi. Akalain mo yon? I am practically spending almost my whole Friday in the church.

Nagtaka rin ako sa sarili ko. Napatanong na kung wala bang CLP nasaan ba ako ngayon? Umiinom at naglalasing tuwing Thursday ng gabi? O gagala sa gabi ng Thursday at uuwi ng bahay sa gabi ng Friday o umaga ng Saturday. O maghapong tulog-kain-internet tuwing Friday.

And the realization came upon me. Yung araw ng Friday na halos ipagdamot ko, heto at halos di ko namalayang buwan na ang inabot.

Image

My CLP Household

Hindi ko ipinapangako at sinasabing magiging mabait ako, na hindi na ako magmumura, hindi magkakasala. Hindi ko sinasabi o ipinapangakong hindi na ako iinom na alak. Hindi ko sinasabi o ipinapangakong hindi na ako maggagala. Hindi ko sinasabi o ipinangakong matatapos ko ang CLP. At lalong hindi ko ipinapangakong magiging very active ako sa serbisyo pagkatapos ng CLP. Pero sa mga pangyayari, everything seems to fall into proper places…into proper order…

All I can say for now is that I am a work in progress

Ano bang magandang title ng pagbabalik?

Posted in Uncategorized on August 10, 2010 by Glenn

Ako po ay bumabati ng isang magandang araw (kung araw), gabi (kung gabi) sa lahat ng aking mambabasa (meron ba? Lolz!).

Ako ay nawala at muling nagbalik. At ngayon ay sisikapin kong bubuhayin at itayong muli ang aking munting tahanan ng mga kaisipan at kuru-kuro.

Whew! It’s been long nine months since I last posted a blog here. Ops, napapa-English na (mahina tayo dyan! Hehe.). At ang huling post ko pa pala ay isang pamamaalam. Tama lang pala na isang pagbati ang aking bagong post.

Basta kung anuman ang dahilan ng pagkawala at muli kong pagkabuhay ay wag na nating pag-usapan dahil sabi nga ng isang commercial (na paborito kong produkto), “mahaba-habang kwentuhan” din yon kaya hindi ko na lang iku-kwento. Baka malasing lang kayo. Lolz!

Bilang panghuli, ilang update lang. Hindi na pala ako Saudi Boy, apat na buwan na rin akong Qatar Boy ngayon. Hehehe. Pero same as before, kalbo pa rin! Hahaha!

Sana naman may mag-welcome back sa ‘kin kundi iwi-welcome ko ang sarili ko. Lolz. 🙂

PAALAM, SAUDI; PAALAM, MGA KAIBIGAN KO…

Posted in Uncategorized on October 28, 2009 by Glenn

Kalagitnaan ng Disyembre, taong 2007 nang umpisahan kong asikasuhin ang pag-aaplay ko sa abroad. Ipinasa ko ang resume at iba pang dokumento sa isang agency. Kasunod nito’y agad akong tinawagan para sa ilang examinations. Awa ng Diyos, naipasa ko naman. Bago o pagkatapos yatang mag-Pasko ay nakapagpa-medical na ako. At bago matapos ang taong iyon, sinabihan akong “fit to work” na ako.

Ilang dokumento pa ang hiningi sa akin at sa mga ka-batch ko sa unang linggo ng January nang sumunod na taon. Noong araw ding iyon, sinabihan kaming January 17 daw ang flight namin. Bagama’t inaasahan, nabigla ako dahil sinabihan ko sila na kailangan nila akong i-inform dahil may 15-day period policy bago ang effectivity ng resignation ang kumpanyang pinapasukan ko. Nagulat pa sila nang malamang hindi pa pala ako resigned. Dahil sa urgency, kinausap ko ang team leader ko na baka pwedeng i-apply sa akin ang tinatawag na emergency resignation. Hindi pala ganoon kadaling magsabing “Ma’am, I am resigning.” Hindi ko kasi alam kong paano ko uumpisahan. Minahal ko ang trabaho at kumpanyang iyon dahil sa mga ka-trabaho ko. (Sige na, aaminin ko, naluha ako noong nagsasabi pa lang ako.)

Nag-text ako sa pamilya ko ng schedule ng flight ko. Pag-uwi ko, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa bahay. Lahat kami ay nag-i-expect na darating ang araw na ito pero sa bilis ng pangyayari, parang kabigla-bigla pa rin.

Hindi nangyari ang emergency resignation pero napagbigyan akong bawasan ang 15-day period policy. Hindi rin natuloy ang flight noong January 17 pati ang January 25 na schedule na sinabi sa amin. February 6 ang naging actual flight namin.

Nandito na nga ako sa kaharian ng Saudi Arabia kasama ang siyam ko pang ka-batch at ilang naging kaibigan na naging pamilya ang turingan sa isa’t-sa.

Labing-walong buwan ang paunang kontrata naming lahat. Ako, nakaka-dalawampung buwan na. Ilan sa batch ko ay nasa bakasyon at ang ilan ay nakabalik na galing bakasyon. Naka-schedule na rin ang ibang umuwi. Ako kaya?

Nag-file ako ng resignation sa boss kong Arabo. August 1 ko pa isinubmit at October 25 sana ang effectivity date. Pero dahil magbabakasyon sya at pumasok pa ang buwan ng Ramadan, puro “Let’s talk about it later” ang ipinangako sa akin ng amo ko. Dumating ang buwan ng October ay hindi ko pa uli makausap tungkol sa resignation ko. Feeling desperate, I sent one e-mail with the copy of my resignation letter and exit form as attachments.

Sa wakas, nagkausap din kami. Ayaw nya akong mag-bitiw sa trabaho. Tila iyon ang dahilan kaya dini-delay nya ang pag-uusap namin. Tatlong bagay ang sinabi kong dahilan: personal (na hindi ko kayang mai-discuss sa kanya), salary at vacation. Dahil walong buwan pa lang daw ako sa departamento nya, hindi pa ako pwedeng magbakasyon sa ngayon pero bibigyan nya daw akong ng magandang bakasyon sa December at gagawan ng paraan ang sahod ko, iyon ang pangako nya. Sinabi kong ilan lamang iyon sa mga rason pero hindi iyon ang primary reason. Sabihin ko daw kung ano ang problema ko, pamilya man o sa trabaho. Sabi pa niya, “I am talking to you as a brother, not as your boss.” “You have a good future here,” dagdag pa niya. Bibigyan nya daw ako ng isang linggo para makapag-isip. Bago natapos ang usapan namin, nasabi kong decided na talaga ako.   Kakausapin ko uli sya after one week pero wala nang makapagbabago ng decision ko. Unang araw pa ng Agosto ako nag-file at bago pa iyon, decided na talaga ako. Hindi naman ito overnight decision lamang.

Hindi pa natatapos ang isang linggong palugit ay alam kong may kumausap sa kanya. Ipinatawag nya ako pati ang isang Indianong kasama ko sa trabaho. Naka-schedule na rin for vacation ang Indianong iyon pero nag-adjust para mag-give way sa “bakasyong” ibibigay sa akin. November 14 ang pinili kong flight dahil dalawa sa mga ka-batch ko ang uuwi rin sa ganoong petsa. Kelan daw ako babalik. Hindi agad ako nakasagot pero nakangiting kong sinabi, “Sir, I thought I am not coming back?” Isang ismid ang isinagot nya sa akin sabay tingin sa Indianong kanang kamay nya (kaliwa kasi ako. lol). Sumabat ang Indiano kasi base daw sa pag-uusap namin, bakasyon lang ang gusto ko.

OK, give me 60 days vacation. Ayaw. Masyado daw mahaba. 45 days. Ayaw pa rin. Marami daw trabaho. Wala na akong magagawa. 30 days. OK daw, December 14 dapat nasa office na uli ako.

Desperado ako. Tinanggap ko kahit unfair para sa akin. Ang gusto ko kasi makaalis na.

Hindi nila alam, ayoko at hindi na ako babalik. Ganoon ako ka-decided. (Wag kayong maingay, baka makarating sa kanya e magbago pa ang isip…Hehe) Na-overlook nila ang pangunahin kong dahilan ng pagbibitiw: PERSONAL REASONS. Tila hindi na nito kayang tumbasan kung magkano mang dagdag sa sahod ang magagawa nya. Basta ang mahalaga, makakauwi na ako.

Ang saya ko noong mga oras na iyon. Naibalita ko agad sa mga ka-batch ko. Naitawag ko agad sa pamilya ko sa Pinas.

Pero pagtapos nun, habang nakahiga na ako sa kama, matinding lungkot ang naramdaman ko. Noon lang nag-sink in na “this is it. Uuwi na ako at iiwan ko na ang tropa ko dito.” Pinilit kong matulog kasi ilang araw na rin akong puyat pero ang hirap dalawin ng antok. Isang text message ang isi-nend ko sa mga ka-batch ko. Nahawa sila sa nararamdaman ko.

OneNightOnly-032

My Batchmates

Iiwanan ko ang Saudi Arabia nang walang malinaw na hinaharap sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi ganoon kalaki ang naitabi kong pera (meron nga ba?). Wala akong pending applications sa ibang bansa at lalong hindi ako pwedeng makabalik agad ng Saudi dahil may re-entry visa ako. Hindi naman naging malupit ang kahariang ito sa akin. Ang totoo, nagbigay pa nga ito ng pagkakataon para sa akin upang malinang nang husto ang aking kakayahan. Ang dami kong natutunan, professionally and personally. Naging mabait ang mga naging boss ko lalo na nga itong huli. Ipinakita niyang may tiwala siya sa akin at sa aking kakayahan. Gusto ko lang linawin na hindi siya ang dahilan ng aking pagre-resign. Kung anuman ang dahilan ko, na alam kong kayang-kaya ko namang lagpasan, nakapag-decide na ako. Sabi ko nga, I quit not to LOSE but to WIN the game.

Uuwi na ako. Malungkot man, uuwi na ko.

IMG_4350

My Tropapips

Ang naramdaman ko noong araw na sinabing may schedule na kami paalis ng Pilipinas ay katulad na katulad ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang lungkot ng pag-iwan sa pamilya at kaibigan sa Pinas noon ay katumbas ng lungkot na bumabalot sa akin ngayon habang iniisip kong iiwan ko na ang mga kaibigan kong tila mahirap nang magkasama-sama muli nang kumpleto. Silang mga istranghero lamang noon pero pamilya ang naging turingan namin sa isa’t-isa ngayon.

***

Naluluha ako habang tinitipa ko ang istoryang ito pero sa loob ng puso ko, masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ko kayo.

Sa mga ka-batch ko: Mike, Jess, Eds, Daddy Yo, Tolits, Mads, Jepoy, Ryan at Emer; pati sa mga naging tropa ko: Chris, Richard, Gilbert, Rogelio, Choi, Wil, Junell, dalawang Rommel, Adonis, Cidney at Alan; at sa lahat ng nakilala ko sa accommodation ko.

Mami-miss ko kayong lahat. Sana magkita-kita tayong muli. Salamat…Paalam.

Pasko Na Naman

Posted in Uncategorized with tags , , on September 2, 2009 by Glenn

Halos dalawang linggo na nang magsimula ang Ramadan. Dalawang linggo na rin akong nabaligtad ang meal. Kanin sa breakfast, tinapay lang sa lunch. Whoa! Parang good as fasting din yon. At isa pang whoa! Pangalawang Ramadan ko na ito sa Saudi nang walang uwian sa ‘Pinas.

Ramadan

Ramadan sa Saudi

Tuwing Ramadan, adjusted ang working hours ng mga muslim. Noong isang taon, 9:00A.M.-3:00P.M. ang pasok nila samantalang 7:30A.M.-4:00P.M. ang regular na pasok ng mga non-muslim employees. Ngayong taon, 10:00A.M.-4:00P.M. ang pasok nila. Hindi ako muslim pero nakakadalawang araw na akong alas-dyes pumapasok. Hehe. Kaya malakas ang loob kong magpuyat sa gabi at gumising nang tanghali kinabukasan. May isang muslim kasi sa kampo na kapareho ko ng office na pinapasukan.

Kahapon paggising ko, petiks mode kaya nagbukas muna ako ng tv. Nagulat ako nang marinig ko ang isang masayang tugtuging pamasko sa pang-umagang programa. “Pasko na Naman” ang titulo. Huh?! Inisip kong joke time lang pero dahil isang news & current affairs program yon, naghanap ako ng logic kung bakit nila pinatutugtog yon.

“…O, kay tulin ng araw…Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang…”

Pasko

Pasko sa 'Pinas

Saktong-sakto ang lyrics sa naramdaman ko. Pumasok na pala uli ang “ber” month. Wahahaha! Nag-Pasko na ako dito noong isang taon, makakadalawang Pasko rin kaya ako dito?

Wahaha! Ayoko!!!

 

 

(Lower photo courtesy of Ms. Diane O. Obviar)

Happy Birthday, Mama

Posted in Uncategorized with tags on June 25, 2009 by Glenn

Mama, musta k jan? Happy Birthday! Wag mo n kmi isipin. Mllki n kami. Kaya n nmin ang mga srili nmin. Mag-rest k npo.

Hindi ko alam ba’t nag-draft ako ng SMS na yan samantalang alam kong wala naman siyang cell phone at lalong walang cell phone kung saan man sya naroroon.

Basta na lang akong nagpipindot sa cellphone ko habang nasa biyahe ako papasok ng opisina.

Birthday ni Mama ngayon. Kung nabubuhay pa sya, 54 years old na sya. Pero dalawang-taon at kalahati na s’yang wala dito.

Dalawang taon na naming ginugunita ang kaarawan nya na wala na sya.

Napanaginipan ko s’ya kagabi. Nanay na nanay pa rin sya.

Konti lang ang panaginip ko tungkol sa kanya at hindi ko na maalala lahat.

Happy Birthday, Ma. Belated Happy Mother's day na rin...

Happy Birthday, Ma. Belated Happy Mother's day na rin...

Ang konti ko lang naalala ay iyong eksena kung saan may binisita yata kaming kamag-anak. Maliit ang lugar pero kahit may pwesto pa siya na maaring tutulugan ay sa upuan na lang sya natulog kasi para sa akin na lang daw iyong pwestong iyon dahil alam niyang pagod ako.

Paggising ko naalala ko tuloy ang isang e-mail na isinend sa akin.

EIGHT LIES OF A MOTHER

1.The story began when I was a child;
I was born as a son of a poor family.
Even for eating, we often got lack of food.
Whenever the time for eating, mother often gave me her portion of rice.
While she was removing her rice into my bowl,
she would say “Eat this rice, son. I’m not hungry”.
That was Mother’s First Lie.

2.When I was getting to grow up,
The persevering mother gave her spare time for fishing in a river near our house,
she hoped that from the fishes she got,
she could gave me a little bit nutritious food for my growth.
After fishing, she would cook the fishes to be a fresh fish soup,
which raised my appetite. While I was eating the soup,
mother would sit beside me and eat the rest meat of fish,
which was still on the bone of the fish I ate.
My heart was touched when I saw it.
I then used my chopstick and gave the other fish to her.
But she immediately refused it and said “Eat this fish, son.
I don’t really like fish.”
That was Mother’s Second Lie.

3.Then, when I was in Junior High School,
To fund my study,
mother went to an economic enterprise to bring some used-matches boxes that would be stuck in.
It gave her some money for covering our needs.
As the winter came,
I woke up from my sleep and looked at my mother who was still awoke,
supported by a little candlelight and within her perseverance she continued
the work of sticking some used-matches box.
I said, “Mother, go to sleep, it’s late,
tomorrow morning you still have to go for work.
” Mother smiled and said “Go to sleep,
dear. I’m not tired.”
That was Mother’s Third Lie.

4.At the time of final term,
Mother asked for a leave from her work in order to accompany me.
While the daytime was coming and the heat of the sun was starting to shine,
the strong and persevering mother
waited for me under the heat of the sun’s shine for several hours.
As the bell rang, which indicated that the final exam had finished,
mother immediately welcomed me and poured me a glass of tea
that she had prepared before in a cold bottle.
The very thick tea was not as thick as my mother’s love,
which was much thicker. Seeing my mother covering with perspiration,
I at once gave her my glass and asked her to drink too.
Mother said “Drink, son. I’m not thirsty!”.
That was Mother’s Fourth Lie.

5.After the death of my father because of illness,
My poor mother had to play her role as a single parent.
By held on her former job, she had to fund our needs alone.
Our family’s life was more complicated. No days without sufferance.
Seeing our family’s condition that was getting worse,
there was a nice uncle who lived near my house came to help us,
either in a big problem and a small problem.
Our other neighbors who lived next to us saw that our family’s life was so unfortunate,
they often advised my mother to marry again. But mother,
who was stubborn, didn’t care to their advice,
she said “I don’t need love.”
That was Mother’s Fifth Lie.

6.After I had finished my study and then got a job,
It was the time for my old mother to retire.
But she didn’t want to; she was sincere to go to the marketplace every morning,
just to sell some vegetable for fulfilling her needs.
I, who worked in the other city, often sent her some money to help her in fulfilling her needs,
but she was stubborn for not accepting the money.
She even sent the money back to me.
She said “I have enough money.”
That was Mother’s Sixth Lie.

7.After graduated from Bachelor Degree,
I then continued my study to Master Degree.
I took the degree, which was funded by a company through a scholarship program,
from a famous University in America .
I finally worked in the company. Within a quite high salary,
I intended to take my mother to enjoy her life in America .
But my lovely mother didn’t want to bother her son,
she said to me “I’m not used to.”
That was Mother’s Seventh Lie.

8.After entering her old age,
Mother got a flank cancer and had to be hospitalized.
I, who lived in miles away and across the ocean,
directly went home to visit my dearest mother.
She lied down in weakness on her bed after having an operation.
Mother, who looked so old, was staring at me in deep yearn.
She tried to spread her smile on her face;
even it looked so stiff because of the disease she held out.
It was clear enough to see how the disease broke my mother’s body,
thus she looked so weak and thin.
I stared at my mother within tears flowing on my face.
My heart was hurt, so hurt, seeing my mother on that condition.
But mother, with her strength, said “Don’t cry, my dear.
I’m not in pain.”
That was Mother’s Eight Lie.

After saying her eighth lie, she closed her eyes… forever…

Glenn po…

Posted in Uncategorized on June 25, 2009 by Glenn

Akala ko ibang lahi lang ang nalilito sa spelling ng pangalan ko. Mas malupet pa pala ‘tong isang kalahi ko.

Dear Marlon,

"Dear Marlon,"

Hindi ko alam kung saan at paano nya nakuha ang pangalang iyon samantalang bago ako mag-send ng e-mail sa kanya ay tinawagan ko muna s’ya at syempre nagpakilala ako. Pero kahit hindi ko sya tawagan, nasa e-mail ang BUONG-BUO kong pangalan. Anu beh?!

Impernes kay kabayan, nag-sorry sya. Tinawagan nya kasi ako at hinanap si “Marlon.” Natawa talaga ako at itinama ko sya. “Glenn po,” sabi ko. Sorry sya nang sorry.

Hahaha.