Ano bang magandang title ng pagbabalik?

Ako po ay bumabati ng isang magandang araw (kung araw), gabi (kung gabi) sa lahat ng aking mambabasa (meron ba? Lolz).

Ako ay nawala at muling nagbalik. At ngayon ay sisikapin kong bubuhayin at itayong muli ang aking munting tahanan ng mga kaisipan at kuru-kuro.

Whew! It’s been long nine months since I last posted a blog here. Ops, napapa-English na (mahina tayo dyan!). At ang huling post ko pa pala ay isang pamamaalam. Tama lang pala na isang pagbati ang aking bagong post.

Basta kung anuman ang dahilan ng pagkawala at muli kong pagkabuhay ay wag na nating pag-usapan dahil sabi nga ng isang commercial (na paborito kong produkto), “mahaba-habang kwentuhan” din yon kaya hindi ko na lang iku-kwento. Baka malasing lang kayo. Lolz.

Bilang panghuli, ilang update lang. Hindi na pala ako Saudi Boy, apat na buwan na rin akong Qatar Boy ngayon. Hehehe. Pero same as before, kalbo pa rin! Hahaha.

Sana naman may mag-welcome back sa ‘kin kundi iwi-welcome ko ang sarili ko. Lolz.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.