Ma’as-Salama, Sadiq… (Good-bye, My Friend…)
Mixed emotions na naman ako ngayon. Kahapon kasi, down na down na down (as in down) na naman ang pakiramdam ko dahil sa bago kong trabaho. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako tinuturuan kahit anong trabaho samantalang February 1 pa ako nag-umpisa dito. Kumusta naman yon? Lagpas kalahating buwan na ako dito, eengot-engot pa rin ako. Ang malupit pa, kapag nagbigay si bossing ng gagawin ko, sariling-sikap ko kung paano ko gagawin. Nagtatanong ako kung sino man ang available na mapagtatanungan kasi ang mga taong dapat kong pinagtatanungan ay mga busy kuno. Masyadong mataas ang expectation ni bossing sa akin. Sabi ko naman, i-train nila ako para makatulong at makabawas sa trabaho nila. Hindi ko naman daw kailangan ang training kasi may experience na daw ako mula sa dati kong trabaho. Ganon? E iba ang nature ng trabaho ko noon sa bago kong trabaho ngayon.
Para bang ang nangyari, kung halimbawang galing ka sa isang call center company tapos nag-apply ka sa panibagong call center company, deretsong sabak ka na agad sa pagsagot ng mga tawag. Pwede ba naman yon kung ni background ng bagong company ay hindi ka familiar.
Iyon ang hinihingi ko sa kanila. Kung ayaw nila akong i-train, kahit orientation man lang para magka-idea ako sa overview ng flow ng magiging trabaho ko kasi hanggang ngayon wala pa rin akong idea tungkol dito. Hindi ko pa rin ma-approach ang dapat nagtuturo sa akin. Ang dating naa-aaproach ko ay busy-busy-han na rin. (Hindi sila mga Pinoy. Puro sila mga Indiano.)
Gusto ko nang bumitaw. Gusto ko nang sumuko. Minsan nga tanong ko bakit kailangan pa nilang mag-hire ng isa pang tao kung kaya pala nila ang mga trabaho. Kung alam ko man ang sagot kung bakit ayaw nila akong turuan, tatahimik na muna ako. (Basta hindi sila mga Pinoy. Puro sila Indiano. Hmmm…nakakaamoy ako ng lansa.)
Pero kahapon din, parang na-realize ko na swerte pa rin ako kahit papaano.
Oras na ng uwian namin nang tawagan ko ang isang kasamahan na kapareho ko ng contractor. Bababa na daw siya sabay sabing may iku-kuwento daw siya sa akin. Akala ko tsismis lang. Nauna na akong bumaba at hinintay na lang siya sa sakayan ng service namin. Nakangiti pa siya habang papalapit sa amin.
“Last day ko na ngayon,” sabi niya.
“Nawalan ako ng kasabay kumain tuwing Huwebes. Nawalan ako ng kakwentuhan sa service pabalik ng kampo araw-araw. Pero higit sa lahat ng ito, nawalan na naman ako ng kaibigan.”
Syempre nabigla ako. Oo, under probationary pa rin sya pero as per agreement kasi with the client and our contractor, “at least one month notice must be given prior to the date of release of an employee.” Sa kaso nya, walang ganun-ganun. Ni hindi sya umabot ng isang buwan sa trabaho at ni walang notice na ibinigay. Idinahilan nya na kaya hindi sya nabigyan ng ID at Visitor’s pass lang ang kinukuha nya araw-araw para makapasok ng opisina. Wala rin daw nagtuturo sa kanya. Maghapon lang siyang nakatunganga sa PC nya na walang internet connection. Swerte kung may dyaryong mababasa.
“Baka ako na pala ang sumunod,” sabi ko sa kanya. Hindi raw kasi may ID na ako. Normally kasi kapag under probationary, after 3 months pa pwedeng magpa-ID. Proby pa lang din ako pero first day ko pa lang ay nakakuha na ako ng ID kasi pinag-fill-up na ako ng form. Ako rin ang nag-asikaso pagkatapos. Pati e-mail access, PC log-in ID at lahat-lahat ng iba pang kailangan, ako lang ang nag-asikaso. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Buti na lang hindi ako ganon kabaguhan. Pano kung bagong salta lang ako sa Saudi. Paano ko kaya gagawin ang mga ito?
Pero mas malala ang nararamdaman kong awa sa kasamahan ko. Mag-iisang taon halos na rin siya dito pero reliever lang lagi sa mga nagbabakasyon. For permanent na sana ang huling posisyon nya pero tila mas malala pa ang nangyari ngayon.
Kung tutuusin, dati ko pa kakilala ang taong ito kasi kasabay namin sya sa service noong nagre-relieve pa lang sya as secretary sa isang planta. Pero ngayon lang kami halos naging magkakilala nang naging isang opisina na lang ang pinasukan namin. Dahil wala halos Pilipino sa department ko, siya na taga-ibang department ang kasabay ko sa pagkain sa tanghali tuwing Huwebes. Sya rin ang kakwentuhan ko sa service namin papauwi ng kampo araw-araw. Hindi ko man siya maituturing na best friend, at least kaibigan pa rin ang turingan namin.
Pero nga, aalis na rin sya. Ni wala pang isang buwan kaming magkasama. Nakakalungkot dahil hindi pa ako halos nakaka-recover mula noong magpaalam ako sa mga kaibigan ko sa dating kumpanyang pinagtrabahuhan ko na halos isang taon ko ring kasama. Tapos eto na naman ang isang nagpaalam.
Nawalan ako ng kasabay kumain tuwing Huwebes. Nawalan ako ng kakwentuhan sa service pabalik ng kampo araw-araw. Pero higit sa lahat ng ito, nawalan na naman ako ng kaibigan.
Alam kong hindi naman talaga siya nawala. Pero kung saan ka man mapupunta kaibigan, Good luck and God bless always!
February 18, 2009 at 6:15 PM
minsan tlga sa buhay, may dumarating at umaalis.
malay mo baka may bagong darating na makakasama
mo jan sa opisina nyo.
dont lose hope.
tsaka sabi nga sa kanta
” sometimes goodbye’s are not 4ever”. nyaks!
29 replies:
Hahaha. Parang sa mag-jowa naman yang kanta mo.
Salamant sa pagdaan.
February 22, 2009 at 11:56 AM
Ganti-ganti lang ‘yan… dahil ‘nung umalis ka hindi ka rin lang nagpa-alam sa akin. Masakit, di ba?
Paghihiganti… bwa ha ha ha ha ha! Joke!!!
——————————-
Nice write-up! I lose a lot of them too, you know. But life must go on. So move on and never give up.
29 replies:
Hahaha. Hindi talaga ako nagpaalam nun. Iyakin kasi ako sa ganyan eh. Hehehe. Saka dami ko pa ginawa nun.
—————————–
OK naman na ako. Medyo malungkot lang talaga yung ganung eksena. Drama talaga no?! Hahaha.
February 22, 2009 at 10:00 PM
changes..sa una mahirap tanggapin..pero kalaunan eh masasanay ka na din!
ayaw mo non susweldo ng walang work,hihihi..seryusli..mahirap nga yan..yung gustong gusto mo ng matuto pero parang walang gustong magturo sayo…ang sagot siguro dyan eh magsariling sikap…
have a nice day!
March 3, 2009 at 4:17 PM
parang ang hirap naman nyan. hindi ba naisip ng kumpanya na nagsasayang sila ng empleyado sa ganyang sistema? antamad naman nila.
sa ibang kumpanya, yung mga baguhan naman ang harassed sobra sa trabaho. sa case ng kaibigan mo, simula pa lang eh redundant na agad sya? sobra naman yun, walang katarungan.
anyway, hayaan mo’t matututunan mo rin ang lahat.
God bless!
March 8, 2009 at 4:05 PM
i can relate… i was once assigned to an area without any idea of what to do,…. parang gusto kong tumulong kaya lang di ko alam kung papaano saka isa pa baka makabagal lang yung tulong ko… asar talaga ako nun at talagang countdown sakin na sana umalis na ako dun at massign ulit sa ibang area.. kaya mo yan, baka naman nasa adjustment period ka pa.. cheers;p-glesy the great
April 19, 2010 at 5:20 PM
I must say I really admire your writing style kasi napakalinaw. Anyways, unsolicited advise from me, ok lang na walang trabaho. Kasi sa Saudi Labor law, it’s not the employee’s fault kung wala siyang work or work na ina assign sa kanya. Ang duty lang ng employee is mag report on time at wag magbulakbol. As long na nasa office ka lang, papasahudin ka pa rin. Wag ka lang mag absent.